^

Bansa

Posibleng pumalit kay Abalos inilantad ng Palasyo

-

Nagpadala na ang Ma­­la­cañang sa Commission on election (COMELEC) ng listahan na siyang posib­leng pumalit sa posisyon ng nagretirong si Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Sa nabanggit na lista­han ay kapansin-pansin na wala ang mga panga­lan ng mga ka­saluku­yang Commissioners ng Comelec.

Kasama sa nabang­git na listahan ng Mala­cañang sina dating Se­nador  Wig­berto Tana­da; Atty. Rene Sagui­sag; Atty. Rufus Ro­d­riguez; Dean Amado Valdez;  Atty.  Allan Ta­laig; Atty. Howard Calleja at Se­dero Ma­luenda.

Ang pagpapadala ng listahan ng Mala­ cañang sa Comelec ay upang maka­paghain ito ng komento at bigyan ng pagkakataon ang mga opisyal nito na ma­­kapa­mili ng posi­bleng ipalit sa iniwang posisyon ni Aba­los bilang Comelec Chairman.

Gayunman, pinaala­la­hanan ng Malacañang ang Comelec na dapat piliin ng mga ito ang isang opisyal na may­roong integri­dad, dig­nidad at karapat-dapat na maging pinuno ng Comelec.

Magugunita na si Aba­los ay nagretiro ma­tapos na masangkot ito sa kon­tro­bersiyal na ZTE-National Broadband Network deal. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALLAN TA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DEAN AMADO VALDEZ

HOWARD CALLEJA

NATIONAL BROADBAND NETWORK

RENE SAGUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with