Full alert sa bgy., SK polls
Pinaplano umano ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na isabotahe ang pagdaraos ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections bukas sa mga balwarte nitong teritoryo sa bansa.
Bunsod nito, epektibo alas-12 ng tanghali nitong Sabado, isinailalim sa “full alert status” ang may 240,000 puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.
Sa pagtataya ng PNP at AFP, ang NPA rebels ay may mass base support sa 2,224 barangay sa buong bansa at nais pang palawakin ang kanilang impluwensya sa may 5, 600 mga barangay.
Sa Southern Tagalog Region lamang ay may 28 mula sa kabuuang 22 kandidato na tumatakbong Brgy. Chairman ang minamanok umano ng mga rebelde.
Sa Bicol Region ay sinusuportahan naman umano ng mga rebelde ang mga kandidatong malakas ang tsansang magwagi sa halalang pambarangay.
Sa Region VI o
Inalerto na ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. ang lahat ng mga Police Commanders sa Luzon, Visayas at Mindanao na mahigpit na ipatupad ang seguridad para maging mapayapa at malinis ang gaganaping halalan na inaasahang dadagsain ng milyong mga botante.
Sinabi rin ni PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr. na handang–handa na ang pulisya sa gaganaping halalang pambarangay.
Tinagubilinan na nito ang kapulisan na huwag magpabaya sa pagpapatupad ng security measures para maiwasan ang paglaganap ng mga karahasang may kinalaman sa pulitika at tiyakin rin ang kaligtasan ng mga botante, kandidato, poll watchers, Board of Election Inspectors at mga opisyal ng Comelec na mangangasiwa sa halalan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending