OFWs ban sa Nigeria ok sa Palasyo

Kinatigan ng Mala­cañang ang desisyon ng Philippine Overseas Employment Administration na huwag mu­nang payagang mag­tungo sa Nigeria ang mga overseas Filipino workers dahil sa su­nud-sunod na kidnap­pings doon.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bun­ye, ang hakbang na ito ng POEA ay upang protektahan lamang ang ating mga kaba­bayang OFW’s na pa­laging nagiging target ng pagdukot sa Nigeria. (Rudy Andal)

Show comments