‘Flying voters’ tinutulugan ng Comelec
Inakusahan ni Minority Leader Aquilino Q. Pimentel, Jr. ang Commission on Elections na “natutulog” sa trabaho matapos mabunyag na umaabot pa sa 3 milyon ang mga flying voters sa bansa.
Ayon kay Pimentel, ang pagkakaroon ng mga iregularidad sa Comelec ang nagiging sanhi kaya nawawalan na ng tiwala ang taumbayan sa proseso ng eleksiyon.
Ayon sa report, nasa 3 milyon na ang mga flying voters o mga pekeng botante na tiyak na makakaapekto sa resulta ng darating na October 29 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
“Now that (Benjamin) Abalos is no longer its chairman, the Comelec has the golden opportunity to cleanse its ranks of scalawags and the voters list of flying voters and double or triple registrants,” sabi ni Pimentel.
Dapat na aniyang simulan ng Comelec ang paglilinis sa komisyon at sa listahan ng mga botante bilang paghahanda sa 2010 national at local elections.
Naniniwala si Pimentel na mababalewala rin ang automation ng halalan kung hindi mula lilinisin ang listahan ng mga botante. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending