JDV nag-inhibit
Tinapos na ni House Speaker Jose de Venecia ang mga espekulasyon kung bibitin ba o mamadaliin ang impeachment complaint na inihain ni Atty. Roel Pulido laban kay Pangulong Arroyo matapos niyang iliban ang kanyang sarili sa paghawak ng naturang reklamo.
Sinabi ni de Venecia na puwersado siyang isulong ang impeachment complaint sa ilalim ng batas kaya ipapasa niya ito sa kanyang deputy speaker upang agad mai-transmit sa committee on rules.
“I decided to voluntarily inhibit myself from any participation involving this impeachment complaint,” sabi ng Speaker.
Kagabi ay agad namang isinulong ni House Deputy Speaker Raul del Mar ang reklamo sa committee on rules na siya namang magdidiretso sa justice committee.
Kapag umabot na sa justice ay hindi na umano puwede pang maghain ng kahalintulad na reklamo kahit pa mas malakas ito sa una. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending


















