^

Bansa

‘Gag-O’ ni GMA binira!

- Nina Malou Escudero at Rudy Andal -

Mariing kinondena kahapon ni Sen. Rodolfo Biazon ang pagpa­pa­labas ng  Administrative Order 197 o panibagong “gag order” ng Mala­kanyang dahil depensa umano ito ng admi­nis­trasyon para mapag­takpan ang maling gi­nagawa ng mga government officials kasama ang mga military at pulis.

“Latest admin order 197 on protection of military secrets same dog different collar as EO464, Memo Circular 108 in invoking of executive privilege - another attempt by admin to cover wrongdoings of government officials,” sabi ni Biazon sa isang text message.

Ayon pa kay Biazon, kabilang sa nais na pag­takpan ang mga kontro­bersiyal na usapin gaya ng political killings, Garci wiretapping at ZTE-NBN deal.

Sigurado aniyang isa lamang itong paraan ng Palasyo para mapigilan at  huwag padaluhin ang mga militar at police officials lalo na sa gina­ga­wang imbestigasyon sa Senado.

Bunsod nito, hiniling ni Biazon sa Malakanyang ang kopya ng AO 197 na ang layunin umano ay protektahan ang military secrets. Ipinagbabawal sa nasabing “gag-o” na isi­walat ang mga sikreto ng militar.

At bilang chairman aniya ng committee on national defense and security, katungkulan la­mang niya na mabatid ang nilalaman ng nasa­bing kautusan at  mabatid din kung ano ang saklaw ng confidentiality o secrecy of matters na naka­kaapekto sa national security.

Matatandaan na bago ang AO 197, ipinalabas ng Malacanang ang EO 464 kung saan kailangan pang pagpaalam kay Pangulong Arroyo ang mga opisyal at emple­yado ng executive branch kabi­lang na ang militar bago makadalo sa anu­mang imbestigasyon ng Senado at Kongreso. 

Nilinaw naman kaha­pon ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi gag order ang ipinalabas ng Palasyo.

Sinabi ni Sec. Bunye, ang AO 197 ay upang pro­teksyunan ang military secrets na masyadong sensi­tibo at hindi upang pata­himikin ang military o hu­wag payagang dumalo sa anumang congressional hearings.

ADMINISTRATIVE ORDER

BIAZON

MEMO CIRCULAR

PALASYO

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with