^

Bansa

‘Impeach Abalos’ ikinasa

-

Isinampa kahapon ni Iloilo Vice Governor Rolex Suplico sa House of Repre­sentatives ang impeach­ment complaint laban kay Commission on Elections Chairman Benjamin Aba­los dahil sa pagkaka­sang­kot nito sa anomalya sa $329.48 milyong national broadband network con­tract ng pamahalaan sa ZTE Corp. ng China.

Sa reklamo, inakusa­han si Abalos ng pagtatak­wil sa tiwala ng publiko,  paglabag sa Konstitusyon, panunuhol at katiwalian.

Inindorso naman ng mga kongresistang sina Teofisto Guingona III, Teo­doro Casino at Ma. Isabelle Climaco ang naturang im­peachment complaint.

Kabilang sa nilalaman ng reklamo ni Suplico ang sinumpaang salaysay nina dating NEDA director Romulo Neri at Jose “Joey” de Venecia III ng Ams­terdam Holdings Inc.

Sinabi naman ni Casino na inindorso niya ang com­plaint dahil sufficient in form and substance ito.

Ayon pa kay Casino, mag­sisilbing prima facie evidence laban kay Abalos ang mga natuklasan sa im­bestigasyon ng Senado sa NBN project. (Butch Quejada)

vuukle comment

ABALOS

BUTCH QUEJADA

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABA

HOLDINGS INC

HOUSE OF REPRE

ILOILO VICE GOVERNOR ROLEX SUPLICO

ISABELLE CLIMACO

ROMULO NERI

SHY

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with