^

Bansa

Paglabas na muli ni ‘Boy Bastos’ haharangin

-

Kumikilos na ang National Bureau of Investigation upang tiya­kin na hindi na muling makakakilos ang porno­grapikong website sa internet na tinatawag na  “www.boybastos.com”.

Ito ay matapos na atasan ng Department of Justice si NBI Director Nestor Mantaring na gumawa ng hakbang upang matiyak na hindi na makakapag-operate ang nabanggit na web­site makaraang paka­walan pansa­mantala ang naarestong suspek na nag-ooperate nito.

Unang tinawag ni Sen. Loren Legarda ang atensiyon ng mga aw­to­ri­dad kaugnay sa www. boybastos.com na nag­bibigay ng libreng pornography sites at links.

Libre umanong na­da­down-load ang mga malalaswang videos at larawan ng mga Pilipina at maging ng mga bata.

Sa unang operasyon ng NBI ay nadakip ang sinasabing operator ng website na si Mark Verzo ngunit pinaka­walan din ito pansaman­tala ng ahensiya.

Nauna rito, inatasan ni Acting Justice Secretary Agnes Devanadera ang NBI na tiyaking hindi na makakabalik sa operasyon ang natu­rang website.

Iginiit naman ni Verzo na wala siyang nagawang paglabag at ang kanyang paggawa ng sariling website ay kaniyang karapatan sa ilalim ng freedom of expression. (Grace de le Cruz at Gemma Garcia)

vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR NESTOR MANTARING

GEMMA GARCIA

LOREN LEGARDA

MARK VERZO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with