TAGBILARAN CITY, Bohol – Binigyan kahapon ni Pangulong Arroyo ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP0 na durugin ang rebeldeng komunista at iba pang rebelde bago matapos ang kanyang termino sa 2010.
Sa kanyang talumpati sa closing ceremony ng Local Peace and Security Assembly dito, sinabi ng Pangulo na dapat ay matapos na ang armadong rebelyon sa bansa sa loob ng 3 taon at kasabay ding dapat madurog ng AFP ang mga rebelde sa Mindanao gayundin ang mga teroristang naghahasik ng kaguluhan sa bansa.
“Hindi tayo aatras sa pakikibaka upang mabigyan ng kapayapaan at kaunlaran ang bayan. I have specified a timeline—three years—to end armed rebellion in the Philippines,” wika pa ng Pa ngulo sa harap ng mga local officials na dumalo sa peace and security assembly.
Aniya, gagamit ang gobyerno ng hard and soft power sa pakikidigma sa insureksyon at extremism sa bansa.
Habang gumagamit ng military operations ay kasabay naman nito ang soft power sa pamamagitan ng paghahatid ng kaunlaran at social services sa mamamayan.