Para sa mga kongresistang sina Juan Edgardo Angara ng Aurora at Justin Marc Chipeco ng Laguna, ang mga imported na cartoons at telenovela na ipinapalabas sa kasalukuyan sa telebisyon ang ilang dahilan kaya nahihirapan sa wikang Ingles ang mga kabataang estudyanteng Pilipino.
Dahil sa naturang mga programa, hindi makapag-aral mabuti ang mga estudyante. Inagaw na anila ng mga dayuhang TV cartoon at telenovela ang interes ng mga estudyante mula sa pag-aaral.
Nanawagan sila sa mga TV network na bawasan ang oras para sa naturang mga palabas tulad ng mga cartoon at telenovela ng mga Korean, Chinese at Spanish na nakasalin sa wikang Pilipino dahil hindi ito nakakatulong sa edukasyon ng mga kabataan. (Butch Quejada)