Ikinokonsidera na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpa palabas ng mga poster ng may 130 wanted na Muslim extremist partikular na ang mga bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa pagpugot ng ulo ng sampu sa 14 Marines .
Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. na patuloy ang kanilang isinasagawang pag-update sa mga litrato na nasa kanilang gallery at kanila itong ilalathala sa tamang pagkakataon.
Nauna nang umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa AFP at PNP na gamitin ang prinsipyo ng “persona description” o tiyaking tamang tao ang kanilang aarestuhin upang huwag magkaroon ng mga ‘fall guy’ o maling suspek.(Joy Cantos)