Clerk of court umaktong judge, sibak
Tinanggal na sa pagka-abogado ay sinibak pa sa puwesto ng Supreme Court (SC) ang isang clerk of court na gumamit ng pangalan ng hukom para sa sariling interes.
Sa 14 pahinang per curiam resolution ng SC, napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct at dishonesty si Anna Liza Luna, Clerk of court ng Tagaytay City Regional Trial Court (RTC) branch 18.
Lumalabas sa record na natuklasan ni dating assisting judge at ngayon ay deputy court administrator Reuben dela Cruz na nag-isyu si Luna ng mga sariling desisyon na hindi nalaman ng Hukom.
Nakakuha din si dela Cruz ng demand letter ng isang litigant para kay Luna kung saan pinapabalik ang P50,000 na hiningi nito para sa kopya ng transfer of certificate of title. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending

















