^

Police Metro

Kampo ni Duterte, pinababasura sa ICC ang testimonya ng ex-pulis

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ng kampo ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na ibasura ang naunang naitalang testimonya ng isang dating pulis ng Davao City.

Kinukuwestiyon ni Peter Haynes, abogado ni Duterte, ang pagtanggap sa naunang recorded testimony ni P-0002 na ayon sa depensa ay may “seryosong kakulangan.”

Si P-0002 ay dati umanong miyembro ng Davao Death Squad.

Iginiit ni Haynes na sa ilalim ng mga tuntunin ng ICC, maaari lamang tanggapin ang naunang naitalang testimonya kung may patunay na hindi na kayang humarap at magbigay ng testimonya sa harap ng  korte.

Kung walang ganitong patunay, iginiit ng depensa na dapat personal na humarap si P-0002 upang magbigay ng testimonya sa korte (viva voce).

Ayon pa sa  depensa,walang sapat na mga dokumentong sumusuporta sa aplikasyon para tanggapin ang ebidensiya ni P-0002.

Hindi rin umano nagsumite ng sinum­paang salaysay ang isang hindi pinangalanang “sole source” na binanggit kaugnay ni P-0002 upang ipaliwanag ang mga pangyayari sa panig ng testigo.

Sinabi rin ni Haynes na walang natagpuan ang depensa na mahalagang ebidensiyang nagpapatibay sa mga pahayag ni P-0002 sa kabuuang 62,000 ebidensiyang isiniwalat ng mga taga-usig.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with