2 sa pinugutang Marines tinorture bago pinatay
Ito ang lumalabas ngayon sa “post mortem examination” ni Dr. Nilo Barandino ng Basilan General Hospital kung saan nakitaan ang mga ito ng sugat at pasa na palatandaan ng torture.
Pinutol din umano ang ari ng dalawang Marines na pinugutan sa gitna ng bakbakan sa naturang bayan habang nasa rescue operations ang tropa ng pamahalaan para sa Italyanong pari na si Fr. Giancarlo Bossi.
Dismayado naman si Barandino sa mga grupong nanghihikayat kay Pangulong Arroyo na ipatigil ang opensiba laban sa mga responsable sa pamumugot.
Iginiit nito na simula noong 1992, umaabot na sa 70 katao ang pinugutan sa Basilan kaya’t dapat lamang na parusahan na ang mga taong nasa likod nito.
Nagtapos kahapon ang tatlong araw na ibinigay ni Pangulong Arroyo sa investigating team upang tapusin ang kanilang pagsisiyasat at magbigay ng kanilang rekomendasyon para sa problema sa Basilan.
Inihayag naman ni AFP Chief of Staff Gen. Hermo genes Esperon Jr., na ihahain na nila ngayon (Martes) ang warrant of arrest laban sa mga miyembro ng MILF na sangkot sa pamumugot sa mga Marines. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending