^

Bansa

`Giyera kung giyera!’

- Danilo Garcia -

Kinasahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang idineklarang “all-out offensive” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay ng pagba­ lewala sa deadline ng militar para isuko ang mga rebeldeng pumas­lang at pumugot sa 10 sundalo ng Marines sa Basilan. 

Ayon sa isang Heneral ng MILF sa website na Luwaran.com, sinabi nito na nakahanda sila at naghihintay sa pagsa­lakay ng mga sundalo ng pama­halaan upang ipag­tanggol ang kanilang sarili.

“We will wait for the aggressors to come, as we fought them on July 10, 2007 when the Philippine Marines attacked us. Our fighters in Basilan will now invoke our right to self-defense,” ayon dito.

Hindi umano naka­paloob sa “peace negotiation” ang pagsuko ng kanilang mga tauhan na sangkot sa mga bak­bakan habang lubhang makakaapekto rin ang opensiba sa “peace talks.”

Pinatutsadahan rin ng opisyal ang puwersa ng pa­mahalaan na hindi umano makapaghintay sa “rule of reason and law” para ma­determina sa isinasaga­wang imbesti­gasyon kung sino talaga ang namugot sa mga sun­dalong Marines. 

Samantala, iginiit na­man ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe­ron na magiging “selective” lamang ang mga lugar at kampo na kani­lang sasalakayin. Wala umanong dapat ipag-alala ang mga residente ng Basilan na maapektuhan sa ilulunsad na opensiba dahil sa mga pinaghihi­nalaang lugar na pinag­tataguan lamang ng mga suspek ang kanilang lu­lusubin at hindi malawa­kang giyera.

Kasalukuyang nagsa­sa­gawa na ng “combat po­sitioning” ang mga sun­dalo sa Basilan at tina­tapos na ang inspeksyon sa kanilang mga armas at bala para sa napipintong digmaan.

Sa kabila nito, nagpa­ha­yag naman ng pa­ngam­ba hindi lang mga re­sidente ng Basilan ngunit mga karatig na lalawigan na posibleng lumawak ang kaguluhan at umabot ang giyera sa ma­ laking lugar ng Mindanao.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN

CHIEF OF STAFF GEN

HERMOGENES ESPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with