Stampede sa Comelec: 20 sugatan

Tinatayang 20 kaba­taan ang isinugod sa paga­mutan matapos na mag­karoon ng stampede sa Comelec habang nasa kalagitnaan ng registration para sa da­ rating na Ba­ran­­gay at Sang­­guniang Kaba­taan (SK) elections sa Oktubre.

Alas-4 ng hapon ng mag­simulang magka­tu­lakan ang mga kabataan habang nakapila sa pag­kuha ng registration form sa tanggapan ng Comelec sa Arocerros, Maynila.

Ayon sa mga kaba­taan, madaling-araw pa lamang ay nakapila na sila subalit da­hilan sa ma­raming sumi­singit sa pila kaya nagka­roon ng tulakan kaya naipit ang mga bik­tima at ang ilan ay na­da­ganan pa ng lamesa.

Ayon kay Atty. Jovencio Balanquit, election officer 4 ng Comelec, 2,400 lamang ang kaya nilang i-accomo­date kada araw subalit ang duma­dating sa kanilang tang­gapan ay 4,000 kaba­taan kada araw.

Inamin ni Balanquit na kulang na kulang sila sa computer dahil 8 lamang ang ginagamit nila gayun­din sa tao dahil karamihan sa kanilang staff ay galing pa sa tanggapan ng Co­melec sa Intramuros.

Inaasahan na mas ma­gi­ging madugo pa ang ga­ganaping rehis­trasyon sa huling dala­wang araw sa Hulyo 21 at 22. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments