Gringo lusot!
Tuluyan nang ibinasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang kasong kudeta laban kay reelectionist Sen. Gregorio “Gringo” Honasan dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Sa isinagawang pagdinig kahapon ng umaga, inutusan din ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel ng Branch 148 ang Bureau of Immigration na alisin na ang hold departure order na inisyu noong nakaraang taon laban kay Honasan at ibigay na rin ang P300,000 na kanyang ibinayad bilang piyansa para sa pansamantalang paglaya.
Ibinatay ni Pimentel ang pagbasura sa kaso sa inilabas na resolusyon ni Justice Secretary Raul Gonzalez noong Hunyo 22 na nagpapawalang sala kay Honasan sa kasong kudeta na naganap noong Hulyo 27, 2003 sa Oakwood Premier Hotel dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.
Hindi naman dumalo sa naturang pagdinig sina Assistant State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at ang kanyang deputy na si Juan Pedro Navera na kabilang sa mga taga-usig sa kaso at naghanap ng mga ebidensiya na magtuturo kay Honasan bilang mastermind at investigator ng mga Magdalo rebel soldiers na naglunsad ng pag-aaklas laban sa Arroyo administration.
Makaraan ibaba ang desisyon, lumapit at tinangkang magpasalamat ni Honasan kay Pimentel subalit ikinatuwiran ng hukom na hindi siya dapat pasalamatan dahil ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin.
Ayon kay Honasan, muli niyang iginiit na walang naganap na kasunduan sa pagitan niya at ng Malacañang kaya naibasura ng tuluyan ang kanyang kaso.
Binigyang diin ni Honasan, mananatili siyang independent senator at fiscalizer sa Senado at kung kinakailangang suportahan si Pangulong Arroyo sa mga tamang gawain ay kanya itong gagawin bagama’t mangunguna siya sa pagtutol kung
Matatandaan na bukod kay Honasan, sinampahan din ng kahalintulad na kaso ang 31 junior military officers, kabilang na rito si Senator-elect Antonio Trillanes.
- Latest
- Trending