^

Bansa

P4B anomalya sa Philhealth claims

-

Paiimbestigahan ng Malacañang ang napa­balitang P4 bilyong ku­westyonableng claims mula sa Philippine Health Insurance Corp. (Phil­health).

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, inatasan na ng Palasyo ang Department of Health upang tingnan ang sina­sabing anomalya at gi­naga­wang pagsasaman­tala ng ilang ospital at doktor sa pagkuha ng claims mula sa Philhealth program.

Napaulat na inihayag ni Philhealth vice president Madeleine Valera sa isang hearing sa Senado na may mga medical practitioners ang nakubra ang ka­hina-hinalang claims mula sa Philheath.

Simula umano noong 1995, nakapagtala ang Philhealth ng P4 bilyong pagkalugi dahil sa claims ng mga doktor at ospital.

Hindi rin umano na­babayaran ng gobyerno ang nasa P5 bilyong premiums ng mga card­holders simula noong 2001.

Pero sinabi ni Ermita na ibabase nila ang kanilang pagbabayad sa Philhealth sa rekomen­dasyon ng DOH dahil nais masigu­rado ng Malacañang na hindi masasayang ang pera ng national government. (Malou Escudero)

DEPARTMENT OF HEALTH

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

MADELEINE VALERA

MALACA

MALOU ESCUDERO

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with