Supporters of losing Cainta mayoral bet beat up 3 policemen
Dahil sa diperensya sa partial, official na tallying ng mga boto sa Davao City, nadagdagan ng 100,000 boto si Team Unity senatorial candidate Ralph Recto.
Ayon kay Eduardo Robillo, tagapangulo ng sangay ng National Citizens Movement for Free Elections sa Davao City, lumabas sa opisyal na pagbibilang ng Commission on Elections na nakakuha si Recto ng 227,590 boto mula sa 3,590 presinto.
Mas malaki anya ito kaysa sa naitala ng Namfrel na 129,401 boto ni Recto mula sa 3,038 presinto sa naturang lungsod.
Sinabi ni Robillo na inireport na nila ito sa lokal na opisyal ng Comelec bagaman sinabi niya na baka clerical error lang ang nadagdag na 100,000 boto ni Recto.
- Latest
- Trending