^

Bansa

Mag-asawang Cayetano biktima: Doble daya

- Joy Cantos -

Ang pagbalam sa canvassing sa Pateros at Taguig ay malamang na naglalayong dayain hindi lamang si Genuine Opposition senatorial candidate Alan Peter Cayetano kundi pati ang asawa niyang si Laarni Cayetano na tumatakbong Kongre­sista sa unang distrito ng Taguig-Pateros.

Ito ang hinala ni Atty Joel Montales, isang abogadong tumutulong sa mga Cayetano, da­hil magkasunod na na­antala nitong Sabado at Linggo ang canvassing sa naturang mga bayan.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang linaw kung isa­sagawa muli ang canvassing.

“Ayaw kong mag­bin­tang, pero sana huwag naman nilang gawin iyon dahil hawak natin ang kopya ng aming election returns at si Ms. Lani Cayetano ang nanalo sa 1st district,” ani Montales.

Ayon kay Montales, noong Sabado  ay ki­nuwestiyon na nila ang pagpapaliban sa bila­ngan. Ipinatawag daw kasi ang chairman ng board of canvassers sa Commission on Elections ngunit puwede naman umanong ituloy ito kahit wala ang nasa­bing opisyal. Wala namang order at pali­wanag ang chairman kung bakit siya ipinata­wag doon.

Noong nakaraang Linggo, muling ipinag­paliban ang canvassing dahil aantayin na­man daw ang pagbi­bilang sa mga boto mula naman sa ikala­wang distrito.

Base sa unofficial quick count results, si Lani Cayetano ay na­kakuha ng 38,671 boto kumpara sa mga ka­tunggali nitong sina Arnel Mendiola Cera­fica na may 35, 995 votes at Jose Pepe Capco na may 12, 864.

  Ang ipinag-aalala ni Montales, ipinag­paliban ang canvassing kung kailan bibi­langin ang mga balo­tang mula sa balwarte ng mga Cayetano sa Lower Bicutan at Ba­gumbayan.

Hiling ng naturang abogado na sana ay hindi na madaya pa si Lani tulad ng dinaranas ngayon ng mister nito na nababawasan ng boto sa Zambales, Malolos, Puerto Prin­cesa, Palawan; Autonomous Region for Muslim Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ARNEL MENDIOLA CERA

ATTY JOEL MONTALES

AUTONOMOUS REGION

CAYETANO

MONTALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with