^

Bansa

Election documents in van cannot be used for cheating – Abalos - By James Mananghaya

-

Sa gitna nang pag-arangkada ng mga senatorial candidates ng Genuine Opposition sa mga isinasa­gawang quick counts kung saan nangungulelat ang mga kandidato ng Team Unity ng administrasyon, mistulang nagtago naman si Pangulong Arroyo dahil dalawang araw na itong walang public engagement at hindi nakikita ng publiko.

Simula noong Lunes o araw ng eleksiyon, hindi na muling nagkaroon ng public engagement ang Pangulo kaya nagkakaroon ng espekulasyon na masyado itong naba­bahala dahil imposible nang makuha pa ang 12-0 na ibinabandera niya tuwing ipapangampanya ang Team Unity.

Pero ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, posibleng umiiwas lamang ang Pangulo sa tanong ng media kung ano ang masasabi nito sa nakaraang eleksiyon.

“Whatever she (Arroyo) says could be misunderstood as trying to push the chances of some candidates as against the other,” dagdag ni Ermita.

Pero inaasahan na muling magpapakita sa publiko ngayon si Arroyo dahil base sa ipinalabas na schedule ng Pangulo, dadalo ito sa lamay ni Nellie Banaag, ang guro sa namatay sa sunog sa isang paaralan sa Bgy. Pinagbayanan Taysan, Batangas. (Malou Escudero)

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

GENUINE OPPOSITION

MALOU ESCUDERO

NELLIE BANAAG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PERO

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with