Pichay nanguna sa inendorso ng religious group

Pinasalamatan ni Team Unity senatorial candidate Rep. Prospero "Butch" Pichay ang Federation of Evangelical Bishops International (FEBI) dahil sa pag-indorso sa kaniyang kandidatura.

Ang FEBI na binubuo ng may 187 na Obispo at apat na milyong miyembro ay pormal na inihayag kahapon ang kanilang ibobotong 12 kandidato sa pagka-senador sa pangunguna ni Pichay.

Sinabi ni FEBI Bishop Efraim Perez na matapos ang mataimtim na panalangin at konsultasyon ay nagpasiya ang kaniyang grupo na mag-indorso ng kandidato upang magabayan ang mamamayan sa kanilang pagpili ng mga dapat mamuno sa bansa. (Butch M. Quejada)

Show comments