Ang mag-asawa ay naunang dumulog sa Department of Justice para pigilin ang petisyon ni Trillanes na humihiling na makapaglagak ito ng piyansa para makalaya pansamantala.
Kasalukuyang nakakulong si Trillanes dahil sa pagkakadawit niya sa pagrerebelde ng ilang sundalong kumubkob sa Oakwood hotel sa Makati City noong 2003 para ibagsak ang pamahalaang Arroyo.
Sinasabi ng mag-asawa na bumili sila ng isang lupa sa Barangay Talipapa, Quezon City mula kay Pabalan na kinalaunan ay muli umanong kinam kam ng huli sa tulong ni Trillanes.
"Nakipagsabwatan si Trillanes kay Pabalan nang puwersahan kaming pinalayas sa lupang nabili namin," sabi ni Santarin.
Idinagdag ni Santarin na si Trillanes pa ang nag-aplay sa pagpapakabit ng kuryente at tubig sa naturang lugar makaraang palayasin sila.
Sinabi pa ng mag-asawa na may mga arma dong taong tumutugaygay sa kanila saan man sila magpunta tulad nang minsang magtungo sila sa tanggapan ng DOJ.
Pinuna pa ng mag-asawa na kumandidato lang si Trillanes para makalaya mula sa stockade at pinararatangan lang nito si Armed Forces Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon ng pagkakasangkot sa dayaan sa eleksyon noong 2004 para pagtakpan ang sarili niyang kasalanan.