^

Bansa

Huey choppers grounded

-
Inutos kahapon ni Air Force Chief Lt. Gen. Horacio Tolentino na itigil ang pagpapalipad ng lahat ng UH-IH o Huey helicopter makaraang isa sa mga ito ang bumagsak sa Lapu-Lapu City na ikinasawi ng siyam na tao kamakalawa.

Nabatid sa tagapagsalita ng PAF na si Lt. Col. Epifanio Panzo na hindi muna papayagang makalipad ang 41 natitirang Huey helicopter hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon sa nabanggit na aksidente sa Cebu.

Pitong sibilyang lulan ng dalawang pampasaherong tricycle ang nabagsakan at napatay ng naturang helicopter sa isang mataong kalsada sa Lapu-Lapu City noong Sabado ng hapon. Nasawi rin sa insidente ang piloto at crew ng chopper.

Pabalik umano ang helicopter sa Mactan Air Base sa lunsod pagkatapos mag sagawa ng pagsasanay sa paglipad nang bumagsak ito sa layong dalawang kilometro mula sa Air Force facility.

Nakiramay si Tolentino sa mga naulila ng mga biktima at nangako siya ng kinakailangang tulong ng PAF sa mga ito.

Samantala, isang opis yal ng PAF ang nagsabing sinisiyasat nila ang isang ulat na may iniiwasang nagliliparang mga saranggola ang helicopter bago ito bumagsak.

AIR FORCE

AIR FORCE CHIEF LT

CEBU

EPIFANIO PANZO

HORACIO TOLENTINO

HUEY

LAPU-LAPU CITY

MACTAN AIR BASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with