Pulong Sulong ng TU ‘di palpak – Zubiri

Itinanggi ni Team Unity Senatorial candidate Juan Miguel Zubiri na sinabi niyang hindi epektibo ang Pulong Sulong na ginagawa ng mga kandidato ng administrasyon.

Ayon kay Zubiri, pinalaki lang ng ilang pahayagan ang kanyang sinabi kamakailan na sa halip na mag-pulong sulong ang 12 kandidato ng TU, mas mahalaga pa rin na makita sila ng mamamayan na mag-isang nangangampanya.

Paliwanag ni Zubiri, mas mapapalakas pa sana ng mga kandidato ng TU ang kanilang kampanya kung pagtutuunan ng pansin ang kani-kanilang mga balwarte at sila mismo ang nakikipag-usap at nangangampanya sa mga tao. (Malou Escudero)

Show comments