Cerafica minaliit ni Capco

Minaliit ni Taguig-Pateros congressional 1st district bet Jose Pepe Capco ang akusasyon ng kalaban nito sa pulitika na si Arnel Mendiola Cerafica na siya ang may pakana kung bakit nabunyag sa publiko na isa itong pekeng civil engineer. "Wala akong alam diyan sa akusasyon ng kampo ni Cerafica. Ang alam ko, isang Jusibie Concepcion ang tanging may alam sa pagkatao niya," paliwanag ni Capco.

Itinanggi rin ni Capco na personal na kilala nito si Concepcion. Kung anuman umano ang datus na hawak nito hinggil sa tunay na pagkatao ng kanyang kalaban, korte o Comelec na lamang umano ang makakapagpatunay dito.

Naghain ng reklamo sa Comelec si Concepcion dahil sa ginawa umanong pamemeke ni Cerafica na isa itong rehistradong civil engineer.

Show comments