Ito ang nabatid sa tatlong independent pollsters sa pagsasabing may mahalagang papel ang mga lokal na pulitiko sa paghakot ng suporta ng kanilang mga nasasakupan.
Isang pagpapakita ng "puwersa ng mga lokal na lider" ang halalan dahil sa kagustuhan nilang magkaroon ng pagbabago sa Senado na sa kanilang pananaw ay kasalukuyang kontra-mahirap at kontra sa kaunlaran, ayon kina political analyst Tony Gatmaitan; mamamahayag na si Gil Santos ng Philippine Futuristic Society; at Amancio Sarmiento, pangulo ng Vox Populi.
Sinabi ni Santos na ang mga pangunahing organisasyon ng pamahalaang lokal tulad ng Union of Local Authorities of the Philippines at League of Provinces, Cities, Municipalities na pinamumunuan ng mga lokal na opisyal na maka-adminstrasyon ay pawang nakatuon sa paglikha ng command vote sa kanayunan. (Malou Escudero)