Sinasabi pa sa report na nagamit lang ng LMB ang naturang pondo sa pagbili ng cellphone, laptop computer, telebisyon, bisikleta, sticker, microphone at sa rehistrasyon ng mga sasakyan.
Pinuna rin ng komite na, batay na rin sa reklamo ng PCSO, walang maipakitang resibo ang mga opisyal ng LMB na pinamumunuan ni James Marty at walang natanggap na pondo ang mga lugar na kinakitaan ng senyales ng SARS tulad ng Ilocos Norte at Leyte.
Ayon sa mga barangay chairman, nararapat na maging mapagbantay ngayon ang publiko dahil sa inaasahang pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan para sa sari-saring programa pagkatapos ng nalalapit na May elections kung saan makikilala na ang mga bagong lokal na opisyales. (Danilo Garcia)