Comelec pumalag!
April 15, 2007 | 12:00am
Umangal na rin ang Commission on Elections sa anyaíy ìtrendingî sa mga survey ng Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia dahilan para utusan ito ng Comelec na ipaliwanag sa publiko ang pamamaraang ginagamit nila sa pagsasagawa ng poll survey, kung saan sila kumukuha ng pondo at iba pang may kaugnayan sa kanilang trabaho.
Itoíy kasunod ng mga reklamo at petisyon na kumukuwestiyon sa kredibilidad ng resulta ng kanilang survey.
Sa isang Comelec en banc, binigyan ng tatlong araw ang SWS at Pulse Asia mula Abril 13 para sagutin ang reklamo ng ABAKADA GURO, isang partylist group.
Ayon kay ABAKADA GURO president Samson Alcantara, hindi nito balak sirain ang reputasyon ng mga survey firm kundi gusto lamang nilang malaman, tulad din ng publiko, kung paano isinasagawa ang mga survey.
Pinuna ng grupo na sa mahabang panahon ay gumagawa ng mga prediksiyong pampulitika ang dalawang survey firm nang hindi inihahayag kung paano nila ginagawa ito at kung sinong tao o grupo ang nagbabayad sa gina∞gawa nilang survey.
Sa akusasyon naman ng Vox Populi na beterano na sa paggawa ng survey, pinuna nito na may mali umano sa resulta ng survey ng SWS at Pulse Asia na nagsasaad na tanging mga oposisyon lamang ang pipiliing kandidato sa lokal na halalan gayong sa 70% ng pinaglalabanang posisyon ay walang tumatakbong kandidato ng oposisyon.
Ayon kay Prof. Amancio Sarmiento, pinuno at taDgapagtatag ng Vox Populi, ang 300 mga pumailalim sa survey sa Metro Manila ay masyadong maliit at hindi sapat para matantiya ang tunay na sentimyento ng botante.
Pinabulaanan din ni Sarmiento ang pahayag ng SWS at Pulse Asia na hindi sila tumatanggap ng bayad sa pagsasagawa ng opinion polls. Imposible umanong makapagsagawa ng pambansang survey nang walang kabayaran dahil sa malaking gastos na kaakibat nito,
Nilinaw naman ni Abalos na wala silang balak na i-ban ang mga surveys dahil na rin sa desisyon ng Korte Suprema na maaaring i-ulat ang anumang resulta ng survey sa media.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended