Universal Charge saan napupunta?
April 9, 2007 | 12:00am
Para sa kapakanan ng taumbayan, nais malaman ng party list group na Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) kung saan napupunta ang Universal Charge na kabilang sa singil sa kuryente.
Ang mga gumagamit ng kuryente ay nagbabayad ng UC sa halagang dalawang sentimos sa bawat kilowatt hour na konsumo kada-buwan alinsunod sa Electricity and Power Industry Reform Act.
Kung may 11 milyong kabahayan umano ang nagbabayad ng UC bukod pa sa mga commercial at industrial establishment, umaabot na nga sa bilyun-bilyong piso ang nakokolekta ng pamahalaan dito.
"Panahon na para ipaliwanag ng Department of Energy, Power Sector Asset and Liabilities Management Corporation at National Power Corporation kung saan nila di nala ang bilyones na ito," ani APEC secretary-general Louie Corral. "Kailangan nilang patunayan na nakikinabang sa UC ang mga barangay at sitio na wala pang kuryente na siyang target na mabiyayaan sa UC."
Pinayuhan ng APEC ang mga electricity consumers na maging mapagmasid sa kanilang binabayaran sa electricity bills.
"Sa sentimos ang kitaan, dito nagkakapera. Hindi lang pinapansin kasi akala natin maliit na halaga pero kapag pinagsasama-sama bilyones din pala," paalala ni Corral.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended