Malversation vs Bobbit

Sinampahan ng kasong technical malversation si dating Valenzuela Mayor Bobbit Carlos dahil sa umano’y hindi pagsunod sa resolusyon ng lungsod na nagbibigay awtoridad sa kanya na bumili ng lupa at tayuan ng bagong gusali ng city hall.

Ayon sa nagrereklamong si Balbino Belo, lumabag si Carlos sa Article 220 ng Revised Penal Code o Illegal Use of Public Funds or Property nang payagan niya ang pagtatayo ng isang gusali ng paaralan sa halip na city hall.

Noong 2003, ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Valenzuela City Council ang Resolution No 283, series of 2003 na nagbibigay ng karapatan kay Carlos na magpatayo ng city hall.

Subalit sa hindi malamang kadahilanan ay gusali ng Valenzuela City Central High School (VCCHS) ang ipinatayo sa halip na gusali ng pamahalaan.

Sinabi ni Belo na batay sa inilabas na certification ni Flavio Diaz, kalihim ng Sangguniang Panglungsod, walang kahit anumang resolusyon na inilabas ang lungsod na pumapayag sa pagtatayo ng paaralan.

Show comments