Noodle soup gift ni Erap kay GMA

Isang bowl ng "Lucky Me" noodle soup ang regalo ng pamilya ni dating Pangulong Joseph Estrada para sa pagdiriwang ng ika-60 taong kaarawan ngayong araw ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Genuine Opposition (GO) Deputy Campaign Manager at San Juan Mayor JV Ejercito, inihahandog nila sa Pangulo ang isang bowl ng Lucky Me noodle soup dahil ito ang simbolo ng kahirapan ng masang Pilipino.

"Para malaman naman niya (Pangulong Arroyo) kung ano ang kinakain ng mahihirap na Pilipino na sa halip na makaahon sa pagdarahop ay lalo pang nalulugmok sa kahirapan," ani Ejercito.

Sinabi ni Ejercito na matagal ng problema ng bansa ang kahirapan bagay na hindi umano nararamdaman ng administrasyon. (Joy Cantos)

Show comments