PNP todo alerto sa Semana Santa
April 5, 2007 | 12:00am
Todo bantay ngayon ang buong pamunuan ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) upang masigurong magiging mapayapa ang pag-alala sa Semana Santa sa buong bansa.
Kahapon ay muling nag-ikot si NCRPO chief Deputy Director Gen Reynaldo Varilla sa mga bus terminals sa Metro Manila na halos umapaw dahil sa dami ng mga taong bibiyahe patungo sa kani-kanilang probinsya upang doon mag-Holy Week at samantalahin ang bakasyon.
Inutusan na rin ni Varilla ang kanyang limang district directors at 37 station commanders na dagdagan ng puwersa ng kapulisan para sa pag-iikot sa mga subdivision upang hindi mabiktima ng mga magnanakaw katulad ng mga akyat-bahay gang na nananamantala sa mga bahay na walang tao.
Binabantayan din ang mga simbahan at mga establisimiyento para masiguro ang kaayusan at kanilang kaligtasan.
Samantala, nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ngayon ang mga opisyales ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga establisimiyento ng mga tourist spots at mga resorts na inaasahang dadagsain ngayong Semana Santa upang matiyak na walang sisiklab na sunog na maglalagay sa panganib sa buhay ng mga bakasyunista at mga dayuhang turista.
Sinabi ni C/Insp. Renato Marcial, spokesman ng BFP, na isasagawa ang inspeksyon upang maiwasan ang mga insidente ng sunog tulad ng naganap noong nakaraang taon sa isang establisimiyento sa isla ng Boracay.
Partikular na iinspeksyunin ng BFP ang mga fire extinguishers, fire exits at mga koneksyon ng kuryente ng mga hotel at resorts.
Nanawagan ang BFP na mag-ingat sa koneksyon ng mga electrical appliances sa mga cottages at paggamit ng kalan de-gas sa kanilang pagluluto.
Pinaalalahanan naman ni Marcial ang mga bakasyunista na tiyakin na nasa maayos na kundisyon ang mga koneksyon ng kuryente, nakatanggal ang plugs ng mga appliances, walang singaw ang kanilang tangke ng "light petroleum gas (LPG)" at walang naiwan na kandilang may-sindi bago lumisan sa kanilang bahay para magliwaliw upang maiwasan ang pagsiklab ng sunog.
Sinabi naman ni C/Supt. Enrique Linsangan, Deputy Director for Administration ng BFP na nakaalerto ang lahat ng kanilang units kung saan tiniyak na kargado ng tubig ang mga fire trucks at magpapadala rin ng mga ambulansya sa mga kalsada at pangunahing resorts sa bansa bilang pakikiisa sa "Oplan Lakbay Alalay" ng pamahalaan at mga "non-government organizations."
Mananatili ang hightened alert ng PNP hanggang sa Lunes kung saan inaasahan ang pagdagsa rin ng mga tao na galing sa ibat-ibang probinsya pabalik ng Maynila. (Edwin Balasa at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am