Joselito Cayetano, dinisqualify na ng Comelec
March 28, 2007 | 12:00am
Diniskwalipika na ng Commission on Elections (Comelec) si Joselito "Peter" Cayetano dahil sa pagiging nuisance o panggulo at kawalan umano nito ng kakayahang maÿngampanya sa buong bansa.
Sa desisyon kahapon ng Comelec 1st Division sa pangunguna ni Commissioner Romeo Brawner, napatunayang walang kakayahan si Joselito na kumandidato para sa isang pambansang posisyon dahil sa kakulangan ng pondo at kawaecto,lan ng sapat na makinarya.
"He is working as a mere clerk for a stevedoring firm in Davao, earning P10,000 a month and he is virtually unknown and yet he is running for a lofty position," ani Brawner.
Binigyan naman ng limang araw si Cayetano paraa iapela ang naturang desisyon ng komisyon.
Gayunman, ipinaliwanag ng Comelec na kasama pa rin sa certified lists ng mga kandidato na ipapaskil sa mga presinto sa araw ng eleksiyon si Joselito dahil hindi pa pinal ang desisyon.
Ituturing na lamang na stray vote ang Peter o Cayetano hanggat hindi pa nadedesisyunan ang kaso.
Nilinaw naman ng Comelec na hindi makaapekto ang pagkadiskwalipika kay Joselito sa kanyang mga kapartido sa KBL dahil hindi naman umano naging isyu ang kakayahan ng KBL na makapangampanya sa buong bansa.
"Hindi po kasi naging isyu ang kakayahan ng KBL kundi yung suportang ibibigay ng KBL sa isang specific candidate, in this case, Joselito Cayetano. I think what was taken into consideration were statement made that Mr. Joselito Cayetano is not actually going to be supported nor is a candidate of KBL. Ito po ang mga statement na kung di ako nagkakamali ay binitiwan ni Gov. Bongbong Marcos," ani Jimenez. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest