^

Bansa

Walang alam sa batas, mahistrado sinibak!

-
Isang mahistrado ng Court of Appeals (CA) ang sinibak sa tungkulin ng Korte Suprema dahil sa pag-ipit ng mga resolusyon sa kanyang sala at gross ignorance of the law.

Sa per curiam decision ng SC, sinibak sa tungkulin si CA Justice Elvi John Asuncion dahil sa hindi kaagad pag-aksyon sa tamang panahon na itinakda ng Konstitusyon sa mga naka-pending na motion for reconsiderations sa kanyang sala.

Napag-alaman na mayroong 72 apelang nakabinbin at 82 kasong nakabitin sa sala ni Asuncion. In-extend din nito ng isang taon ang TRO na dapat ay 60 days lamang.

Dahil pangalawang pagkakataon na ito ay ipinataw na ng SC ang maximum penalty dito na pagkasibak sa tungkulin. Tinanggal din ang retirement benefits ng mahistrado.

Si Asuncion ang pangalawang mahistrado sa CA na natanggal sa serbisyo. Una sa kanya si CA Justice Demetrio Demetria dahil sa paglabag nito sa Code of Judicial Conduct ng makialam umano sa kaso ni Yu Yuk Lai sa Department of Justice. (Rudy Andal)

vuukle comment

ASUNCION

CODE OF JUDICIAL CONDUCT

COURT OF APPEALS

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE DEMETRIO DEMETRIA

JUSTICE ELVI JOHN ASUNCION

KORTE SUPREMA

RUDY ANDAL

SI ASUNCION

YU YUK LAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with