TU dinumog sa Iloilo
March 20, 2007 | 12:00am
Iloilo City – Kahit balwarte ng lider-oposisyong si Sen. Franklin Drilon ang Iloilo, malabo umanong manalo sa lalawigang ito ang mga kandidatong senador ng Genuine Opposition.
Sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas sa isang panayam na dinumog ng mga lokal na opisyal at residente ang pulong-sulong ng mga kandidatong senador ng makaadministrasyong Team Unity sa Sarabia Manor Hotel dito na tumalakay sa mga proyektong pangkaunlaran ni Pangulong Gloria Arroyo sa lalawigan.
Taliwas sa suportang ito ng mga taga-Iloilo sa TU, nakansela ang mga itinakdang rally sa lalawigan ng GO nitong nagdaang dalawang linggo dahil sa kakarampot na mga taong dumalo sa una nilang rally doon.
Sinabi ni Trenas na, kahit tubong-Iloilo si Drilon, hindi ito makakaapekto sa tsansa dito ng TU.
Ayon sa mga kandidato ng TU na sina Prospero Pichay, Mike Defensor at Tito Sotto, hindi makaarangkada ang GO sa Iloilo dahil napaso ang mga ito sa pagkakakansela ng kanilang campaign sorties dito. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended