Pagpaparetoke ‘wag basta ipagkatiwala sa beauty parlors – DOH
March 17, 2007 | 12:00am
Binalaan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag basta ipagkatiwala sa mga beauty parlors ang mga surgical procedures maliban sa kanilang mga regular na serbisyong inaalok.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tanging ang mga establisimiyento na may sapat na lisensiya lamang mula sa DOH ang maaring magsagawa ng non-emergency surgical treatments lalo pa at nalalagay sa panganib ang buhay ng pasyenteng nagpapasailalim dito.
Ang babala ay kasunod ng mga ulat na may mga beauty parlors na nag-aalok ng beauty enhancement services sa kabila ng kawalan ng lisensya mula sa DOH.
Nilinaw din ng Kalihim na hindi basta-basta iniisyuhan ng lisensiya ang lahat na nag a-apply para dito dahil dumadaan pa umano ito sa masusing pagsusuri ng DOH.
Kinakailangan din umanong maipakita ng mga Ambulatory Surgical Clinics (ASC) na may kakayahan itong magbigay ng elective surgical treatment.
Kabilang sa mga iniaalok umano na serbisyo ng mga ASCs ay ang opthalmologic, colorectal, orthopedic, reproductive, pediatric, plastic at reconstructive surgeries at iba pa.
Kinakailangan ding kwalipikado ang mga doktor na maninilbihan sa ASCs at board certified o eligible ng Philippine Association of Plastic, Reconstructive and Aesthetic Surgeons.
Noong nakaraang taon, mayroong 53 ASCs ang nabigyan ng lisensya ng DOH at 21 dito ay nasa Metro Manila, samantalang ngayong taon ay lima pa lamang ang nabibigyan ng lisensya. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended