Kabataan ilalaban ni Nikki
March 16, 2007 | 12:00am
Ipinagtanggol ni senadora Nikki Coseteng ang pananatili ng Sangguniang Kabataan (SK) dahil ito ang nagsasanay sa magiging pinuno ng bansa sa kinabukasan. "Ang kabataan ay higit na idealista at makabayan kaysa sa maraming may edad na Pilipino. Ang mga katangian nilang ito ay dapat pagyamanin para matiyak natin na kapag sila na ang namumuno sa ating bansa ay magiging pangunahin sa kanila ang interes ng bansa kaysa sariling pakinabang," sabi ni Coseteng.
Si Coseteng ay nagbabalik-pulitika bilang kandidato sa pagka-senador ng Genuine Opposition. Naging kinatawan siya ng limang taon ng 4th District ng Quezon City at pagkatapos ay nagsilbi ng dalawang termino sa Senado. Tutol siya sa panukalang alisin ang Sangguniang Kabataan. Aniya, kung may mga depekto sa sistema ng SK,maaaring magkaroon ng mga pagbabago upang mapalakas bilang pahagi ng ating sistema ng pulitika. (Joy Cantos)>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest