Hinay-hinay lang kay Ka Satur Zubiri
March 14, 2007 | 12:00am
Hiniling ni Team Unity senatoriable Juan Miguel Zubiri sa pamunuan ng Philippine National Police na maghinay-hinay sa kasong murder na planong isampa laban kay Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo.
Ayon kay Zubiri, dapat pairalin ang due process of law sa kaso ni Ka Satur at huwag sanang madaliin ang pagsasampa ng kaso sa nabanggit na Mambabatas. "Lahat naman ay dapat bigyan ng pagkakataon na marinig ang kanilang panig sa korte at hindi ito dapat ipagkait kay ka Satur," ayon kay Zubiri.
Nanawagan din si Zubiri sa mga kritiko ng kapwa niya Mambabatas na huwag muna itong kondenahin dahil hindi naman aniya lahat ng bintang ay dapat ng paniwalaan. Iginiit pa ni Zubiri na hindi dapat paglaruan ang reputasyon ng sinoman lalo na sa isang gaya ni Ka Satur na kilalang ipinaglalaban ang karapatang pantao ng mamamayan. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest