^

Bansa

Beltran pinalabas ng ospital para mag-file ng kandidatura

-
Matapos ang halos isang taong pagkakakulong sa Philippine Hearth Center, (PHC) naghain na rin kahapon ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) si Anakpawis Rep. Crispin Beltran.

Sakay ng ambulansiya ng PHC, si Beltran na kasama ang mga miyembro ng Police Security Protection Office ay nagtungo sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila lulan ng kanyang wheelchair kung saan idinaan sa underground parking level bilang bahtagi na rin ng seguridad ng Comelec.

Si Beltran ang unang nominado ng Anakpawis party-list organization na magpapartisipa sa May 14 elections. Matapos ang paghahain ng kandidatura ay kaagad isinakay ng ambulansiya si Be=ltran at ibinalik sa PHC.

Umaabot naman sa 100 Anakpawis supporters ang nagsagawa ng rally sa labas ng gusali ng Comelec na nanawagan ng pagpapalaya ni Beltran.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalabas ang Kongresdista simula ng ilipat ito sa naturang ospital mula sa Camp Crame detention cell noong nakaraang taon. (Gemma Garcia)

ANAKPAWIS

ANAKPAWIS REP

BELTRAN

CAMP CRAME

COMELEC

CRISPIN BELTRAN

GEMMA GARCIA

MATAPOS

PHILIPPINE HEARTH CENTER

POLICE SECURITY PROTECTION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with