Inday Garutay, naiyak kay Nikki
March 12, 2007 | 12:00am
Naiyak ang sikat na komedyanteng si Inday Garutay dahil sa matapang na pagtatanggol sa kanya ni dating Sena dora Nikki Coseteng sa isang madamdaming tagpo sa rally na isinagawa ng Genuine Opposition sa Batangas City.
Sa maikling open forum na isinagawa bilang bahagi ng GO rally, tinanong ni Inday Garutay kung ano ang masasabi ni Nikki sa ginawang pagtaboy ng may-ari ng isang bar kay Inday dahil "cross dresser" daw ito.
"Hindi naman dapat ‘yun dahil lahat ay pantay-pantay. Ang mahalaga, hindi sila (gays) salot sa bayan. Hindi nagnanakaw, hindi pumapatay ng tao," sagot ni Nikki, na nagpaiyak nga kay Inday.
"Ang dapat na ikahiya natin ‘yung basagulero, ‘yung lasenggo, yung nananaksak ng tao, yung nagnanakaw, yung mga ipokrito."
Ayon kay Nikki na kilalang tagapagtanggol ng karapatang-pantao, maraming bakla ang naging matagumpay sa iba’t ibang larangan.
"Kung iyon ang kanilang kapasyahan sa sarili, bakla man o tomboy, ay hindi natin dapat pakialaman. Ang mahalaga nga, gaya ng sinabi ko, ay wala silang pineperhuwisyong mga tao."
Si Coseteng ay naging kinatawan ng Third District ng Quezon City at nagsilbi ng dalawang termino sa Senado.
Nakilala siya bilang graft buster, at pangunahing tagapagtanggol ng karapatan ng kababaihan, kabataan, manggagawa at ng mahihirap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended