UTAK partylist aarangkada
February 23, 2007 | 12:00am
Aarangkada na ang bagong party list ng mga tsuper, transport operators at mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa bansa na tinawag na Nagkakaisang - United Transport Koalition o UTAK.
Layunin ng binuong UTAK ang magpanukala ng mga batas upang magkaroon ng katatagan sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, maitaas ang antas ng transport operations sa bansa, tiyaking ligtas at maayos ang lahat ng land transport facilities na bumibiyahe sa bansa na sinasakyan ng publiko.
Sa pamamagitan ng panukalang batas ng UTAK ay plano nitong i-decongest ang mga pangunahing lansangan upang ganap na maipatupad ang clean air act at maging ligtas sa polusyon ang kalusugan ng publiko.
Ang UTAK ay binubuo ng mga kilalang transport groups na PBOAP, Fejodap, Acto, Pjodaf, Altodap, NTU, at lahat ng TODA sa bansa, traysikad, transport coops at Truckers Asso. of the Philppines. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest