Solon todas sa car crash

Nagluksa ang mababang kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng dalawang araw na special session nito kahapon nang ibalita ni Speaker Jose de Venecia ang pagkamatay ni Valenzuela Rep. Antonio Serapio, 69, dahil sa isang aksidente.

Sinabi ni de Venecia na pabalik si Serapio sa Maynila mula sa Nueva Ecija para dumalo sa sesyon nang maganap ang aksidente kahapon ng umaga.

Sinabi sa ulat ng pulisya na binabagtas ng kotse ni Serapio ang kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa bayan ng Cabiao ng naturang lalawigan nang ma bangga ito sa kasalubong na isang pampasaherong bus ng kumpanyang Sierra Mad re.

Sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela si Serapio, nagpaekis-ekis ang minamaneho niyang Honda CR-V hanggang sa lumihis ito sa kabilang lane at bumangga sa bus.

Hindi pa matukoy ang iba pang detalye sa aksidente pero hinihinala ng tanggapan ni Nueva Ecija Police Se nior Supt. Allen Bantolo na inatake sa puso ang mambabatas habang nagmamaneho na dahilan para mawalan ito ng di reksyon sa pagmamaneho.

Naisugod siya sa Cabanatuan City Doctor’s Hospital pero doon na siya binawian ng buhay.

Sa Kongreso, si de Venecia ang namuno sa sesyon na dinaluhan ng 170 kongresista at inaasahan tatalakayin dito ang 27 nabimbing mga panukalang-batas na kinabibilangan ng hinggil sa terorismo.

Show comments