Executive clemency kay Jalosjos ibinasura ng Korte
February 17, 2007 | 12:00am
Ibinasura kahapon ng Makati City Regional Trial Court ang petisyon para sa executive clemency na hinihingi ni dating Zamboanga del Norte Cong. Romeo Jalosjos na nasentensyahang makulong nang habambuhay dahil sa panggagahasa sa isang 11-anyos na dalagita.
Sinabi ni Judge Selma Alarcio sa kanyang dalawang pahinang kautusan na hindi nakapagsumite si Jalosjos ng mga kinakailangang dokumento alinsunod sa Revised Rules and Regulations ng Board of Pardon and Parole.
Pinuna rin ng korte na 10 taon at isang buwan pa lang nakukulong si Jalosjos at wala pa sa 15 taong hinihingi para magawaran ng executive clemency ang isang bilanggo. (Lordeth Bonilla.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest