^

Bansa

OFWs remittance tagilid?

-
Posible umanong malagay sa peligro ang padalang pera ng milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa pagkatalo ng LBC Group sa kaso sa Court of Chancery of the State of Delaware sa Amerika.

Ang LBC Group, isa sa mga pangunahing remittance company at isang may mahalagang bahagi ng dugo’t pawis ng OFWs remittances ay puwersadong magbabayad ng mahigit sa P1 bilyon.

Batay sa mga report na nasa Securities and Exchange Commission (SEC), tagilid ang sitwasyon ng LBC. Ang pangyayaring ito ay nag-ugat sa pagtanggal ng mga assets ng itinuturing na kompanya ng grupong LBC at ang minority shareholder, ang ATRKE, isa sa matatag na financial corporations sa Pilipinas.

Ang pagtanggal ng mga assets at paglilipat ay isinagawa ng wala umanong kaukulang pahintulot mula sa shareholders ng LBC Global kagaya ng ATRKE.

Kasangkot umano dito ang dalawang directors na sina Liza Berenguer, presidente ng LBC Bank at si Hugo Bonilla, presidente ng LBC USA sa dahilang walang ginawang kaukulang hakbang para maiwasan ang nasabing anomalya.

AMERIKA

BATAY

COURT OF CHANCERY OF THE STATE OF DELAWARE

HUGO BONILLA

KASANGKOT

LBC

LIZA BERENGUER

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with