Marcos admin umangat rating - SWS
MANILA, Philippines — Nakarekober ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa pinakamababang satisfaction rating matapos umakyat ng 14 puntos ang rating nito noong Hunyo ngayong taon.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Hunyo 20-29, nasa 42 percent ng adult Filipinos ang nagsabi na kuntento sila sa performance ng administrasyon habang 17 percent ang hindi matukoy kung satisfied o dissatisfied.
Nasa 40 percent naman ng Filipino adults ang nagsabi na hindi sila kuntento.
“This is a 14-point recovery from poor -13 in March 2026, which was a record-low for the Marcos, Jr. administration and the lowest in 16 years since the bad -45 in March 2010 under the Arroyo administration,” saad ng SWS.
Dalawang punto naman ang binigyang diin ng mga respondents sa naturang survey - ang paglaban sa inflation at korupsyon na may -12 at -14 ratings.
Nakakuha ng “very good” ang administrasyon sa pagbibigay ng basic education (+68), de kwalidad na children’s education (+58), pagtulong sa mga mahihirap (+52) at mga polisiya para sa paglika ng trabaho.
Maganda rin ang ratings ng administrasyon sa science and technology (+49), housing programs para sa mga mahihirap (+48), food security (+41), paglaban sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (+35), at epektibong public transportation (+33).
- Latest



















