^

Bansa

Bersamin slay laliman pa

-
Nais ng grupong Justice for Truth na lumutang ang katotohanan sa likod ng ginawang pamamaril at pagpatay kay Abra Congressman Luis "Chito" Bersamin sa Quezon City kamakailan, kung kaya hinihiling nila sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na palawakin pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon at huwag lamang ituon sa anggulong pulitika.

Ang grupo ay una ng nanawagan sa PNP na laliman pa ang kanilang imbestigasyon matapos lumutang ang posibilidad na may kinalaman ang mga tauhan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa krimen.

Ayon sa Justice for Truth, dapat din umanong kalkalin ng PNP ang pagbibigay ng simpatya ng mga NPA sa mga militante sa lalawigan ng Abra, partikular ang nangyaring pagpatay kay Bayan Muna provincial coordinator Roberto Teredano noong nakalipas na taon.

Si Teredano ay napatay ilang araw matapos nitong komprontahin si Bersamin hinggil sa mga proyektong nito na pinoponduhan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinsabing nagkaroon ng pagtatalo si Teredano at Bersamin sa loob ng bahay nito na naging dahilan ng pagkakapahiya ng naturang mambabatas at makalipas ang ilang araw ay napatay ang lider ng Bayan Muna.

Ayon sa grupo, posibleng ang pagkamatay ng mambabatas ay may kaugnayan din sa pagkamatay ni Teradano na maaari umanong kagagawan ng CPP-NPA. (Mer Layson)

ABRA CONGRESSMAN LUIS

AYON

BAYAN MUNA

BERSAMIN

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

MER LAYSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with