Pamilya Arroyo, walang bank account sa Germany sa nakalipas na 10 taon
February 4, 2007 | 12:00am
Nakatakdang iprisinta ng fact-finding team na binubuo ng tatlong kongresista na nagtungo sa Munich, Germany ang sertipikasyon na magpapatunay na walang bank account ang pamilya Arroyo sa Hypo Vereinsbank sa nakalipas na 10 taon.
Inihayag ni Bohol Rep. Roberto Cajes, chairman ng House committee on ethics, na base sa kanilang natuklasan, walang miyembro ng pamilya Arroyo ang nag-aari ng bank account sa Hypo Vereinsbank.
Nilinaw naman ni First Gentleman Mike Arroyo na isang "universal waiver" o kasulatan ang pinirmahan ng kanyang pamilya upang silipin ang umanoy itinatagong bank account ng pamilya sa lahat ng sangay ng Bayerische Hypo Vereinsbank sa buong mundo.
Sa pahayag ni Ginoong Arroyo, nagpunta siya sa Munich para makipagkita sa mga opisyal ng bangko at iharap ang pinirmahang kasulatan na nagbibigay pahintulot sa mga bank officials na busisiin ang umanoy tagong yaman ng pamilya sa nabanggit na bangko.
Tiniyak din ng Unang Ginoo ang kooperasyon ng kanyang pamilya sa ginagawang fact-finding mission ng House committee on ethics upang alamin ang katotohanan sa likod ng ginawang paratang ni opposition Taguig-Pateros rep. Alan Peter Cayetano.
Ayon pa kay Ginoong Arroyo, iniharap niya ang kanyang sarili sa mga opisyal ng bangko upang patunayan na walang itinatago ang pamilya Arroyo sa taumbayan.
Sakaling mapatunayan na may bank account, hiniling din ni Ginoong Arroyo sa bangko na ibigay ang lahat na laman nito sa pamahalaang Pilipinas.
Hinikayat din ni Arroyo si Cayetano na maging malinis at iharap ang ebidensiya nito sa publiko at kung sakaling mapatunayan na nagsisinungaling ito ay dapat maging handa sa anumang mangyayari at tanggapin ang kapalpakan. (Lilia Tolentino/Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest