^

Bansa

MILF jail raid: 46 itinakas!

-
Matapos mapatay ang no. 2 man ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kamakalawa sa Taytay, Rizal ay nilusob kahapon ng madaling araw ng mahigit 50 armadong rebelde ang North Cotabato Provincial Jail at itinakas ang tatlong hinihinalang bombers at 43 pang preso.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 12 Chief Supt. German Doria, ala-una ng madaling-araw ng palibutan ng mga MILF rebels ang kulungan at paulanan ng bala ang jailguard post. Pinasabugan din ng mga suspek ng M203 rocket-propelled grenade (RPG) ang pader ng bilangguan kung saan sa butas na nalikha ng pagsabog pumasok ang mga armado.

Kasunod nito ay pinalakol ang kandado ng mga selda saka kinuha ang mga nakabilanggong rebelde. Inutusan din ang iba pang preso na gustong sumama sa pagtakas na magsilabas.

Ayon kay Doria, sinubukang lumaban ng anim na jailguard subalit hindi nila nakayanan dahil naubusan sila ng bala.

Dalawa sa mga jailguard ang nasugatan na nakilalang sina Reynaldo Aquino at Joy Bustamante.

Kinilala ang tatlong bombers na sina Datu Ali Sultan, Tukan Guindo at isang Mundos.

Nabatid na karamihan sa mga tumakas ay sangkot sa mga pagsabog sa Mindanao.

Sinabi ni Doria na ang nasabing bilangguan ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng lokal na pamahalaan na walang dagdag na security forces mula sa puwersa ng pulisya ng maganap ang jailbreak.

Nagpalabas na ng P25,000 reward si North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol para sa mga makapagtuturo sa bawat isang pugante.

Naglatag na rin ng checkpoint ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya.

Bunga ng insidente ay binabalak nang ilipat ng kulungan ang mga high-profile inmates sa high security facilities. (Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF SUPT

DATU ALI SULTAN

EMMANUEL PI

GERMAN DORIA

JOY BUSTAMANTE

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO GOV

NORTH COTABATO PROVINCIAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with