7 sa 24 dinukot na OFWs sa Nigeria may sakit na
January 31, 2007 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang pito sa 24 overseas Filipino workers (OFWs) na 11 araw nang bihag ng mga armadong grupo sa Nigeria, makaraang magkasakit at halos sabay-sabay na atakihin ng hypertension at diabetes.
Sa impormasyon na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA) , sinasabing critically ill ang pito at nangangailangan ngayon ng mabilis na medikasyon para manatiling buhay.
Base sa ulat ng Nigerian Newspaper na "The Punch" na ipinadala sa DFA, sinasabing dumaranas ngayon ng hypertensive at ibat-ibang komplikasyon ng sakit na diabetic ang pitong Marinong Pinoy.
Nabatid pa na tumawag ang mga bandido sa pamunuan ng Brawai Nigerian Limited na siyang employer ng mga OFW na humihiling na magpadala ng mga gamot para sa mga biktima.
Ang 24 Pinoy ay dinukot noong Enero 20 habang sakay ng isang cargo ship sa karagatan ng Niger Delta. (Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am